Isinilang na sanggol napugutan

NAKATAKDANG sampahan ng kaso ang isang ospital sa Abra makaraang mapugutan ng ulo ang sanggol habang ipinapanganak nitong Lunes.


Iginiit naman ng mga opisyal ng Abra Provincial Hospital na namatay ang bata sa sinapupunan ng ina kaya kailangan nilang alisin agad ito upang mailigtas ang huli.


Sa reklamo, sinabi ng ina na inihayag sa kanya ng doktor na patay ang kanyang baby.


Hindi naman sinabi na napugutan ang sanggol.


Aniya, nadiskubre lang niya ang sinapit ng anak nang iburol ito.


Handa naman ang ospital na harapin ang ikakaso sa kanila bagaman iginiit nito na wala silang kasalanan sa pangyayari.