Lanao del Sur gov ligtas nga ambush

SINABI ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ligtas na si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr. matapos ang nangyaring pananambang noong Biyernes kung saan apat sa kanyang security escort and nasawi.

Sa isang panayam sa radyo, idinagdag ni Rep. Adiong na pinag-aaralan na ang lahat ng motibo sa tangkang pagpatay sa kanyang kapatid.

“He underwent a surgery para tanggalin ang bala… yung tumama medyo malalim so buti na lang hindi fatal yung gunshot wound niya and walang natamaan na major organs so successful naman yung operation kagabi,” sabi ni Rep. Adiong.

Aniya, wala ring alam na banta sa buhay ng gobernador.

“Wala kaming alam na kaaway niya. Of course, we are in the business of politics, alam naman natin pagdating sa ganitong trabhao, we are constantly under threat, not as imminent and immediate threat as to see what happened yesterday, na talagang inabangan siya,” dagdag ni Rep. Adion.

Aniya, papunta sana si Gov. Adiong sa Wao para sa nalalapit na founding anniversary nito na siyang huling bayan ng lalawigan.