Kelot nag-amok; ina, tiya dedbol

SWAK sa selda ang 37-anyos na lalaki na pinagtataga ang kanyang ina, tiyahin at iba pang kamag-anak sa Bohol nitong Huwebes, iniulat ng pulisya.

Sugatan din ang suspek na binaril ng mga pulis nang tumanggi itong sumuko. Nahaharap siya sa mga kasong parricide at frustrated parricide.

Base sa ulat, bigla na lamang umanong nagwala ang suspek hawak ang isang bolo kaya tinangka itong pigilan ng ina at mga kaanak.

Pero imbes na kumalma, ang mga kapamilya ang pinagbalingan nito.

Dead on the spot ang 71-anyos na ina ng suspek habang hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang tiyahin, 79.

Apat na iba pang kamag-anak ang nagtamo rin ng mga sugat sa katawan at ginagamot sa ospital.

Napag-alaman na kinatay rin ng suspek ang alaga nilang aso sa gitna ng pagwawaka nito.

Nagtamo ng tama ng bala sa balikat at tiyan ang suspek nang tangkain nitong atakihin ang mga rumespondeng pulis.