Kalaguyo ni misis patay sa bugbog ni mister, 2 anak


SAMA-SAMA sa kulungan ang padre de pamilya at kanyang dalawang anak na lalaki makaraan nilang pagtulungang patayin sa bugbog ang kalaguyo ni misis sa Mangatarem, Pangasinan.


Ayon sa ulat, nahuli sa akto ng mister ang asawa at kalaguyo nito na nagtatalik sa sala ng kanilang bahay.


Nagdilim ang paningin nito kaya binugbog ang biktima, 40.


Itinali pa umano niya at mga anak ang lalaki saka nila pinahirapan.


Nasawi ang biktima dahil sa mga tinamong sugat sa katawan.


Agad namang nasakote ang mag-aama ng pulisya.


Ayon sa mister, matagal na umanong natsitsismis na may lalaki ang kanyang asawa pero hindi niya ito pinapansin.


Samantala, hindi naman mahagilap ang ginang.