Fire official natuklaw ng ahas sa birthday

NATUKLAW ng ahas ang isang opisyal ng Bureau of Fire Protection ng Dinalupihan, Bataan habang nakabakasyon sa Badian, Cebu.

Agad namang nadala sa pagamutan at naturukan ng anti-venom si Senior Insp. Arvin Catipon, ang municipal fire marshal ng Dinalupihan Fire Station.

Nitong Huwebes, Oktubre 13, ay ipinadiwang ni Catipon ang kanyang kaarawan.

Sa ulat, nakatayo habang nagka-canyoneering si Catipon nang may kumagat sa kanyang hinliliit.

Agad naman niyang naitaboy ang ahas.

Dinala ang opisyal sa pagamutan habang nahuli ang ahas, isang pit viper.

Nasa maayos na kondisyon na si Catipon.