Bagets tinodas sa burol; rap battle motibo

BINARIL at napatay ang 18-anyos na lalaki sa burol sa Caloocan City nitong Huwebes ng umaga.

Dead on the spot si Jec-jec Ramos, ng Brgy. 153, Bagong Barrio, Caloocan, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Base sa CCTV footage, nakikipaglamay sa Jec-jec sa isang kabarangay nang lapitan ng dalawang lalaki alas-3 ng madaling araw.

Walang sabi-sabing naglabas ng baril ang isa sa mga suspek bago pinutukan sa dibdib ang biktima.

Ayon sa mga saksi, ilang minuto ding minatyagan ng mga suspek ang biktima bago ito pinaputukan.

Naniniwala naman ang pulisya na alitan sa rap battle ang ugat sa pagpatay.