Dikya umatake; bata patay

NASAWI ang pitong-taong-gulang na bata habang naospital ang dalawa niyang kamag-anak nang madikitan sila ng dikya sa isang beach resort sa Del Gallego, Camarines Sur.


Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa Munting Buhangin Beach Resort nitong Lunes ng hapon.


Naliligo malapit sa dalampasigan ang batang babae nang kapitan ng dikya ang kanyang binti at paa.


Nawalan ng malay ang bata at agad itinakbo sa ospital. Hindi na siya naisalba ng mga manggagamot.


Dinala rin sa ospital ang tiyuhin at pinsan ng biktima na tumulong para matanggal ang dikya sa kanya.


Napag-alaman na mananagot ang resort dahil pinapasok nito ang bata gayong bawal ito sa gitna ng pandemya.