Miss Poland tinanghal na 2021 Miss World; Pinas bigo makapasok sa Top 6

ITINANGHAL si Karolina Bielawska ng Poland bilang 2021 Miss World sa koronasyon na ginanap sa Puerto Rico ngayong araw.

First Runner Up naman si Shree Saini mula sa United States habang Second Runner up si Olivia Yace ng Côte d’Ivoire.

Hindi naman nakapasok sa top 6 ang pambato ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez.

Kabilang sa pumasok sa finals ang mga kandidata mula Indonesia, Mexico, at Northern Ireland.

Nasa 98 ang delegado sa Miss World pageant pero ang Top 40 lang ang sumalang sa coronation night dahil sa Covid-19 health and safety protocols.