Cagayan inuga ng magnitude 5.4 na lindol

INUGA ng 5.4 na lindol ang Cagayan ganap na alas-12:36 ng hapon ngayong Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang pagyanig na may lalim na 15 kilometro, walong kilometro kanluran ng Dalupiro Islans, Calayan, Cagayan.

Naramdaman ang Intensity 5 sa Dalupiri Island, at Calayan Island, Cagayan; Intensity 4 sa Claveria, Sanchez-mira, Pamplona, at Abulug, Cagayan; Luna, at Flora, Apayao; Pasuquin, Batac, Bangui, Burgos, at Pagudpud, Ilocos
Norte.

Samantala, Intensity 3 naman sa Bacarra, Laoag City, at Vintar, Ilocos Norte; Tuguegarao City, Allacapan, at Appari, Cagayan; Intensity II sa Dingras, at Paoay, Ilocos Norte; Sinait, San Juan, at Magsingal, Ilocos Sur; at Intensity 1 sa Vigan City, at Bantay Ilocos Sur.

Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang mga aftershocks bunsod ng lindol.