Albularyo tinaga ng anak, todas

PATAY ang faith healer na tinaga sa leeg ng anak dahil sa away ukol sa nawawalang libro ng paggagamot sa Rapu-Rapu, Albay.

Dead on the spot si Antonio Bechayda, 61, residente ng Brgy. Villahermosa, na nagtamo ng malalim na sugat sa leeg.

Agad namang sumurender sa otoridad ang suspek, 27. Nahaharap siya sa kasong parricide.

Ayon sa ulat, kinompronta ni Bechayda ang anak dahil nawawala umano ang kanyang libro na ginagamit sa paggagamot nitong Biyernes ng umaga.

Sa gitna ng sagutan, kinuha ng suspek ang kanyang itak at tinaga ang ama.

Hindi sinabi sa ulat kung natagpuan na ang libro.