8 oras lumaklak, kelot dedbol

KINUMBULSYON at nasawi ang isang welder makaraang uminom ng alak nang walong oras sa Bacoor, Cavite nitong Linggo, inulat ng pulisya ngayong araw.


Naitakbo pa sa ospital ang biktimang si Noel Barawid, 21, pero hindi na ito naisalba ng mga doktor.


Ayon sa ulat, nagsimulang mag-inuman si Barawid at mga katrabaho sa construction site sa Tiroma Highway, Brgy. Habay 1, alas-8 ng gabi ng Sabado.


Katatapos lang ng inuman alas-4 ng umaga ng Linggo nang biglang manginig si Barawid bago nawalan ng malay.


Agad na itinakbo sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktima pero nasawi ito habang ginagamot.
Isinailalim sa autopsy ang biktima para madetermina ang ikinamatay nito.