7,000MT ng asukal naharang sa Subic

SINABI ni Press Secretary Trixie Angeles na naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang 7,021 metric tons ng asukal na mula sa Thailand sa Subic Port in Zambales.

Idinagdag ni Angeles na batay sa ulat ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz nasa kostudiya na nila ang 19 na crew ng MV Bangpakaew.

Tinatayang aabot sa 140,000 bag ng asukal ang nakumpiska na aabot sa P45,623,007.51.