5 hijacker todas sa Benguet


DEAD on the spot ang limang lalaki na nang-hijack umano ng truck makaraang makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Tuba, Benguet.


Hindi pa nakikilala ang limang nasawi na ayon sa pulisya ay mga miyembro ng sindikato na nago-operate sa hilagang Luzon.


Ayon sa ulat, humarang ng mga pulis ang truck na na-hijack ng mga suspek sa Marcos Highway sa Bgry. Taloy Sur ala-3 ng umaga Miyerkules.


Bago ito ay nairadyo sa mga pulis sa Tuba ang ginawang pang-aagaw sa isang truck ala-1 ng madaling araw.


Pero imbes na sumuko ay nagpaputok ang mga kawatan kaya gumanti ng putok ang mga suspek.


Sinabi sa ulat na dalawa sa mga suspek ay nakasuot ng uniporme ng pulis.
Iniimbestigahan pa ang insidente.