3 barangay officials binaril, patay sa Samar

TATLONG opisyal ng barangay sa Calbayog City, Samar ang binaril at pinatay Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Kagawad Jonas Baladhay Casaljay; hepe ng Lupon Tagapamayapa na si Miguel Galvan; tanod chief na si Benedicto Dacara, mula sa barangay Cagbanyacao.

Binaril ang tatlo sa Purok 2, barangay Cagbanyacao alas 12:10 ng madaling araw.

Binaril si Galvan sa loob ng kanyang bahay habang sina Casaljay at Dacara ay natagpuang walang buhay sa kalsada sa Purok 2.

Ayon sa report, isa sa mga sinasabing suspek ay nagngangalang isang Jimboy Ampoan.