2 bata kinatay ng tatay

NASAWI ang dalawang batang babae nang pagtatagain ng kanilang sariling ama sa Baras, Catanduanes nitong Miyerkules, ayon sa pulisya.


Dead on the spot ang mga paslit, may edad 9 at 8, dahil sa mga tinamong sugat sa katawan.


Sugatan naman ang suspek, 45, residente ng Brgy. Western Poblacion makaraang manlaban sa mga rumespondeng pulis.


Naitakbo pa sa ospital ang mga biktima pero idineklara silang dead on arrival.


Ayon sa ulat, nagtatrabaho sa ibang bansa ang ina ng mga bata.


Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang nagtulak sa suspek na patayin ang mga anak.