Walang duda tatakbo si Sara –Salceda

SIYENTO por siyentong tatakbo sa pagkapangulo sa isang taon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ayon kay Albay Rep. Joey Salceda.


“There’s no doubt in my mind based on our exchange of chats and this has been long running that she will definitely run in 2022,” giit ni Salceda sa isang panayam nang tanungin ukol sa plano ni Carpio.


“Nagpaalam ako sa kanya kasi ang dami na (nagtatanong sa plano ni Carpio). Simula two weeks ago, kinukulit na po talaga ako at tumatanggi ako. Sabi ko (kay Carpio) baka dapat ikaw na. Sabi niya, ‘ikaw na muna’,” dagdag ng mambabatas.


Sa kasalukuyan, ani Salceda, ay bumubuo pa ng mga alyansa ang alkalde.


“I think if you look at the current lay of the land, it’s possible that she will run unopposed,” pahayag pa niya.