Sandro Marcos binutata sa pahayag tungkol sa sibuyas

HINDI pinalagpas ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang pahayag ng anak ng pangulo at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ukol sa presyo ng pulang sibuyas.

Sey ni Sandro: “Why the big fuss about the prices of red onions? Common sense dictates that you use white onions when red onions are expensive and alternatively, you use red onions when white onions are expensive. Simple problems need simple solutions.”

Sagot naman ni Baguilat: “In short, ang gusto nilang sabihin, magtiis kayo. Pag ganyan ang problem solving skills ng leaders natin, kawawa tayo. Sana solusyunan kung bakit nahihirapan ang farmers kya nagmahal ang sibuyas.

Kasalukuyang nasa P300 hanggang P350 ang kada kilo ng pulang sibuyas habang nasa P400 hanggang P500 naman ang kilo ng puting sibuyas.