Robredo wala nang balak mag-asawang muli

SINABI ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo na wala na siyang balak pang magkaroon ng romantic partner.

“Unang-una iyong magkaroon ulit ng katuwang sa buhay, sigurado akong hindi iyon mangyayari,” ani Robredo.

“Sigurado akong hindi na ako mag-aasawa, sigurado akong hindi na ako papasok sa isang relationship, romantic relationship,” dagdag pa niya.

Nabyuda ang bise presidente noong 2021 matapos masawi ang dating Interior Secretary na si Jessie Robredo sa plane crash.

Aniya pa, napakaswerte niya sa asawa at imposible nang makahanap pa ng gaya nang yumaong mister.