PSG chief ‘di raw itinatago si Michael Yang

ITINANGGI ni Presidential Security Group (PSG) commander Col. Randolph Cabangbang na itinatago ng nila si dating presidential adviser Michael Yang sa isang hotel sa Davao City.


Ito ang sagot ni Cabangbang makaraang isiwalat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na pinoprotektahan ng PSG si Yang sa Dusit Hotel sa Davao.


“Personally, I do not know Michael Yang. I do not know his whereabouts, and definitely, no PSG personnel is securing him,” sabi ni Cabangbang.


Nauna nang iniugnay si Yang sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga personal protective equipment (PPE) sa Pharmally. –WC