Poe: SIM Registration Act epektibo na sa Dis. 27

SINABI ni Sen. Grace Poe na epektibo na ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act o Republic Act 11934 simula Disyembre 27, 2022.

Idinagdag ni Poe na inaasahang ilalabas na ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng batas sa Disyembre 12, 2022.

“December 12 is the issuance of the IRR so it will be effective definitely on December 27,” sabi ni Poe.

Nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang SIM Registration Act noong Oktubre 10, 2022 sa harap naman ng pagkalat ng text scam.

Sa ilalim ng bagong batas, kailangang irehistro ang mga bagong SIM card para ma-activate.

Samantala, may 180 araw naman ang mga existing SIM user para irehistro ang kanilang numero.