Tiket sa BLACKPINK concert: P19,450

INILABAS na ang presyo ng tiket para sa dalawang araw na concert ng Korean girl group na Blackpink sa Philippine Arena sa Bulacan sa Marso 25 at 26, 2023.

At kung gusto mo nang talagang malapit na malapit kina Jenni, Lisa, Rose at Jisoo, maghanda ka na ng P19,450 para sa “Born Pink” World Tour ng girl group.

Kung hindi naman keri ng budget, pwede pa rin naman silang mapanod sa P3,000 na halaga ng tiket.

Huling nag-concert ang Blackpink sa bansa noong 2019.