Pacquiao nanindigan sa pahayag ng driver ni De Lima

NANINDIGAN si Sen. Manny Pacquiao sa naunang pahayag na umamin sa kanya ang driver ni Sen. Leila De Lima na si Ronnie Dayan na nag-deliber umano siya ng pera mula sa ilegal na kalakalan ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Idinagdag ni Pacquiao na bagamat nalulungkot siya para kay De Lima, ibinabahagi lamang niya ang naging pag-amin sa kanya ni Dayan.

“Nag-rerely lang naman ako sa sinabi sa akin. Kumbaga kung ano ang sinabi wala naman akong idinagdag doon,” giit ni Pacquiao.

Ito ay matapos itanggi ng kampo ni Dayan na kinumpirma niya ang naging partisipasyon ni De Lima sa umano’y kalakalan ng droga sa NBP.

“Wala naman akong intensyon na saktan. Ang sinabi ko walang dagdag walang kulang, iyong sinabi lang sa akin. Iyon lang naman ang siinabi ko,” ayon pa kay Pacquaio.