Marcos itinalaga si Tinga bilang bagong acting chairman ng DBP

ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos si dating Supreme Court Associate Justice Dante Tinga bilang acting chairman at miyembro ng Board of Directorsng Development Bank of the Philippines (DBP).

Pinirmahan ni Marcos ang appointment paper ni Tinga noong Disyembre 9, 2022 bagamat isinapubliko lamang ito ngayong araw.

Nanumpa si Tinga kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa Palasyo.

Nagsilbi si Tinga bilang associate justice ng Korte Suprema mula 2003 hanggang 2009. 

Naging miyembro rin siya ng Kamara bilang kinatawan ng distrito ng Taguig-Pateros.

Nanilbihan din si Tinga bilang dean ng University of the East College of Law mula 1989 hanggang 1993 at mula 2017 hanggang 2018.