Gabriela pinuna itatayong ‘party place’ sa Palasyo


BINATIKOS ni Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas ang mga ginaganap na magagarbong party sa Malacanang at ang pagpapasinaya ng bagong catering area.

“While the Marcos family is busy building a new catering area for their extravagant parties using the people’s taxes, Philippine peso recently hit an all-time low, and commuters bear the brunt of public transport fare increases,” ani Brosas 

Matatandaan na ipinost nitong Huwebes ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang photo ng ground-breaking ceremony para sa bagong cateria area sa Palasyo.

“Walang budget para sa ayuda sa gitna ng malalang kagutuman, pero may budget para sa magarbong luncheon at birthday parties. Kulang ang budget para sa pampatayo ng mga eskwelahan, pero mabilis makapaglaan ng pondo pampatayo ng catering area. This is peak insensitive and a waste of people’s money,” dagdag pa ng mambabatas.