Bato sisilipin misteryosong hukay sa Bilibid

PAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang nadiskubreng hukay sa New Bilibid Prison na mas malawak pa umano sa isang football field.

“Titingnan natin, paimbestigahan natin kung may nalabag na batas. Number one is environmental law or graft and corrupt practices or whatever laws na puwedeng ma-violate sa ganyang klaseng activity,” ani dela Rosa sa panayam.

Aniya, kailangan malaman ng publiko kung para saan ang hukay.

“Tatanungin rin natin ‘yung purpose sa bakit nila ginawa ‘yan baka meron silang ibang purpose din na pupuwedeng ma-justify ‘yung kanilang ginawa. But then again laws must be observed, must be followed,” aniya.

Nadiskubre ang hukay sa kasagsagan ng imbestigasyon sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.