Bagong Press Secretary malalaman next week

KINUMPIRMA mismo ni Pangulong Bongbong Marcos na tatlong mga dating mamamahayag ang pinagpipilian niyang pumalit kay Trixie Anegels bilang bagong Press Secretary.

Pero hindi niya tinukoy ang mga pangalan ng mga ito.

“It would be unfair to them kung hindi mapili,” sabi ni Marcos.

Tiniyak niya na maglalabas siya ng desisyon sa susunod na linggo.

Idinagdag pa ni Marcos na dapat ay kaibigan ng mga mamamahayag ang uupong Press Secretary.

“Yung kaibigan Ninyo. Obviously, you need somebody who is very experienced as a media practitioner para yung gusto naming palabasin, lumalabas,” dagdag ni Marcos.

Una nang kinumpirma ng mga dating miyembro ng journalism industry na sina Cesar Chavez na ngayon ay undersecretary ng Department of Transportation; abogadong si Mike Toledo; at Pagcor Board member at dating Cavite Rep. Gilbert Remulla, na inalok sa kanila ang pwestong Press Secretary.