4 ng nag-crash na Cessna plane natagpuan na

KINUMPIRMA ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo na natagpuan na ang apat na sakay ng nag-crash na Cessna 340 plane malapit sa crater ng Mayon Volcano, na pawang mga patay na.

“Wala na pong buhay… kayat retrieval na lang tayo,” sabi ni Baldo.

Sinabi ni Baldo na naibaba na ng grupo ng mountaineers ang mga bangkay pababa ng bundok.

Kabilang sa mga nasawi ang piloto, ang co-pilot at dalawang Australian national.