2 Pharmally execs na nasa Pasay City jail laya na

NAG-ISYU ng release order si Senate President Vicente Sotto III para sa nakadetineng Pharmally Pharmaceutical Corp. executives na sina Mohit Dargani and Linconn Ong, na nakulong matapos i-contempt ng Senado.

“The Sergeant-At-Arms is hereby directed to deliver this order to Supt. Ramil S. Vestra, DSC, Warden, Pasay City Jail, for immediate implementation,” ayon sa order na inilabas ngayong Hunyo 2.

Ayon kay Sotto na kailangan niyang i-isyu ang release order laban sa dalawa kung hindi ay masasampahan siya ng “illegal detention”.

Nauna nang sumulat sina Ong at Dargani kay Sotto at umaapela na sila ay palayain. Nakulong ang dalawa sa Pasay City Jail simula noong Nobyembre 2021 matapos silang i-contempt ng Senado nang hindi nila ilabas ang financial documents sa isinasagawang pagdinig ng blue ribbon committee hinggil sa diumano’y maanomalyang transaction sa Department of Budget and Management.