2 bastos na kawani ng DSWD sinibak ni Tulfo

TINANGGAL sa puwesto ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo ang dalawang kawani dahil sa pambabastos ng mga ito sa mga nais humingi ng tulong sa tanggapan.

Kabilang sa mga sinibak ni Tulfo ang isang personnel sa Ninoy Aquino International Airport na mali ang ginawang pagtrato sa mag-ina na kauuwi lang mula sa ibang bansa.

Ang isa pa, ayon sa kalihim, ay ang empleyado sa Tagbilaran, Bohol na binastos ang ginang na nagtatanong kung paano makasali sa programang 4Ps ng gobyerno.

Winarningan naman ni Tulfo ang limang hotline operator sa DSWD main office na aalisan din niya ang mga ito ng trabaho kung hindi magtitino.