Andrea Brillantes ayaw sa basketball player pero…

HINDI inasahan ni Andrea Brillantes na babagsak siya sa isang basketball player gaya ng kasalukuyang boyfriend na si Ricci Rivero.

Sa panayam kay Karen Davila, ibinunyag ng Kapamilya actress na may reputasyon ang mga basketball players na babaero.

“Hindi po ako mahilig sa basketball player… Sabi kasi nila, manloloko ‘yung mga ganyan. Kaya sabi ko, ‘hindi na, ayaw ko ng another heartbreak’,” ani Andrea.

“E bigla siyang (Ricci) dumating!” dagdag niya.

Kinalaunan ay na-realize niya na hindi katulad ng ibang player si Ricci.

Kinokonsidera rin niya na seryoso ang relasyon nila ng boyfriend.

Dagdag ni Andrea, marami silang parehong interes ni Ricci kaya compatible sila. Isa na rito ang astrology.

“Nung nakita kong nagpo-post siya sa IG, magka-follow kami doon, tungkol sa astrology, sabi ko, ‘Uy mahilig ka pala diyan?’
Tapos sabi niya, ‘Yeah.’ E mahilig din ako dun,” aniya.