Pinoy store clerk sa US binugbog ng 2 bagets, patay

BINUGBOG hanggang sa mapatay ng dalawang teenager ang 68-anyos na Pinoy na clerk ng isang liquor store sa Los Angeles, kamakailan.

Nakilala ang nasawi na si Steven Reyes at clerk ng isang tindahan ng alak sa Highland Park Area.

Napatay si Reyes matapos siyang bugbugin ng dalawang teenager na nahuli niyang nagnanakaw ng isang kahon ng beer. Naganap ang insidente nitong nakaraang Huwebes.

Nang sitahin ng biktima, pinagtulungan bugbugin ng dalawang suspek si Reyes gamit ang isang scooter na siyang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Sakabila ng kanyang edad ay namamasukan pa rin si Reyes bilang part timer sa liquor store para masuportahan ang kanayng ina. May apat na anak at isang apo ang Pinoy.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.