Ina isinalang sa ‘online kalaswaan’ mga anak, arestado

SHOOT sa kulungan ang isang ilaw ng tahanan na pinagkakakitaan ang mga anak na babae sa cybersex.

Dinakip ang suspek kasama ang tatlong iba pa habang na-rescue ang pitong menor-de-edad sa operasyon ng National Bureau of Investigation.

Nagtangka pang tumakas ng mga suspek pero nakorner ang mga ito ng mga operatiba ng NBI-Violence Against Women and Children Desk at Forensic Laboratory Division.

Nakuha mula sa suspek ang cellphone na naglalaman ng mga transaksyon sa mga parukyano ng kanyang mga anak.

Nadiskubre ang operasyon ng suspek makaraan maaresto sa US ang isang pedophile na hawak ang mga video at larawan na mula sa kanya.

Nahaharap ang mga operator ng cybersex ring sa mga reklamong paglabag sa Child Abuse Law at Cybercrime Prevention Act, at child trafficking.