Oscar-winning film ‘Parasite’ actor Lee Sun Kyun natagpuang patay

NATAGPUANG patay sa loob ng kanyang kotse ang South Korean actor na si Lee Sun Kyun, Miyerkules ng umaga, Disyembre 27, 2023. Siya ay 48 anyos.

Naging pamoso si Lee dahil sa kanyang role sa 2020 Oscar-winning film na “Parasite”.

Natagpuan si Lee sa loob ng kotse na nakaparada sa isang parke sa Seoul. Sinasabing nilanghap ni Lee ang charcoal briquette na natagpuan din sa loob ng sasakyan.

Kinumpirma ng pulisya ang identity ni Lee matapos matagpuan ang bangkay.

Bago ito, inireport sa pulisya ng asawa ni Lee na umalis ito ng bahay at natagpuan ang isang sulat na tila isang suicide note, ayon sa report ng Yonhap.

Nahaharap si Lee sa imbestigasyon hinggil sa diumano’y drug use.