Nagpasabog ng sunod-sunod na utot, lalaki pinababa ng eroplano

PINALABAS ng eroplano ang isang pasahero na hindi umano tumigil sa kauutot sa flight mula Phoenix, Arizona patungong Austin, Texas kamakailan.

Base sa ulat ng Daily Mail US, nagkaroon ng argumento sa pagitan ng ututin na pasahero ng American Airlines at mga kasabay niya sa flight noong isang linggo.

Bago pa magkagulo at maabala ang biyahe, nagdesisyon ang piloto na pababain na lang ng eroplano ang ututin na pasahero.

Naantala ang biyahe ng hanggang 30 minuto dahil sa pangyayari.