Marcos Jr. sa Russia-Ukraine war: No need to make a stand

NANINIWALA si presidential bet Bongbong Marcos na walang dahilan para maglabas ng posisyon ang Pilipinas sa nagaganap na gera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

“I don’t think there is a need to make a stand (as) we are not involved, except for our nationals,” sabi ni Marcos sa isang ambush interview matapos dumalo sa General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Resorts World Manila sa Pasay City nitong Martes.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa gitna ng pagkondena ng maraming bansa, kabilang na ang Pilipinas, sa nagaganap na armed conflict ng Russia at Ukraine.

Maging ang kanyang vice presidential running mate na si Davao City Mayor sara Duterte ay naniniwalang dapat maging neutral lang ang bansa tungkol sa isyu.