Magnitude 7.8 na lindol gumimbal sa Turkey

NIYANIG ng malakas na magnitude 7.8 na lindol ang Turkey kaninang alas-4:17 ng umaga, ayon sa US Geological Service.

Ayon sa USGC, naitala ang sentro ng lindol, na may lalim na 17.9 kilometro, malapit sa Gaziantep sa timog silangan ng Turkey.

Idinagdag ng USGC na naramdaman din ang mababaw na magnitude 6.7 na pagyanig malapit sa lugar matapos ang 15 minuto.

Wala pang napaulat na namatay, bagamat base sa mga video sa social media maraming gusali ang nasira sa maraming lungsod.

Ayon sa media reports, daan na ang bilang ng mga nasawi at marami pa ang nasugatan sa pagyanig.