Japan binulabog ng 6.1 magnitude na lindol

MATAPOS yanigin ng 7.4 magnitude na lindol ang Taiwan, niyanig naman ang Japan ngayong Huwebes ng 6.1 magnitude na lindol.

Tumama ang lindol 83 kilometers silangan ng Minami-Soma sa lalawigan ng Fukushima at may lalim ito ng 40 kilometro.

Wala namang itinaas na tsunami alert.

Naganap ang pagyanig alas 12.16 p.m. local time.