GF tsinap-chop-chop ng food blogger

ARESTADO ang 28-anyos na food blogger na pinatay na ay tsinap-chop-chop pa umano ang kanyang live-in partner sa New Delhi.

Ayon sa pulisya, dinakip ang suspek na si Aftab Amin Poonawala, isang chef at food blogger, makaraang madiskubre ang mga bahagi ng katawan ni Shraddha Walkar, 27, isang call centre employee.

Bago natagpuan ang mga piraso ng katawan ng biktima ay humingi ng tulong sa pulisya ang ama ni Walkar sa pagkawala ng anak noon pang Mayo.

Unang sinabi ni Aftab na lumayas si Walkar matapos nilang mag-away. “But after sustained interrogation, he confessed that he had murdered her,” sabi ng imbestigador.

Itinuro ni Aftab kung saan niya dinala ang mga bahagi ng katawan ng biktima pero marami pang parte ang hinahanap ng mga otoridad.