Hidilyn Diaz may cash reward na P33M


INAASAHANG makatatanggap ng P33 milyon na cash reward si Hidilyn Diaz makaraang makasungkit ng gold medal sa Tokyo Olympics.


Sa ilalim ng RA 10699, bibiyayaan ng P10 milyon ang mga Olympic gold medalist na lumaban sa individual events.


Samantala, nangako rin ang MVP Sports Foundation na magbibigay ng karagdagang P10 milyon sa makakakuha ng gintong medalya.


Samantala, sinabi rin ng Philippine Olympic Committee at ni Rep. Abraham Tolentino na magbibigay ang business tycoon na si Ramon Ang ng P10 milyon sa kada gold na makukuha sa Olympics.


Nag-pledge naman si Rep. Mikee Romero ng P3 milyon sa sinumang makasungkit ng gold sa Tokyo.