Taga-Pampanga nagpabakuna, nanalo ng buhay na baka


NAGWAGI ng baka ang 51-anyos na taga-Pampanga sa raffle ng lokal na pamahalaan ng San Luis para sa mga nabakunahan nitong residente.


Nanalo si Melania Sarmiento ng lalaking baka makaraan siyang mabakunahan ng vaccine mula sa Johnson and Johnson na Janssen.


Pinangalanan niyang “Magic Johnson” ang baka.


Sinabi ni Sarmiento na nagpabakuna siya dahil naga-alala siya sa kanyang mga anak.
“Baka po mahawa ang mga anak ko sakaling magkaroon ako ng Covid,” aniya sa isang panayam.


“Pagkatapos ko po magpabakuna ay nawala ’yung kaba ko. Nagkaroon na po ako ng peace of mind,” dagdag niya.


Nagpa-raffle ng baka ang lokal na pamahalaan ng San Luis para makumbinse ang mga residente na magpabakuna.


Sinabi ni Ardee Taruc, opisyal ng bayan, na lahat ng nabakunahan ay kwalipikado sa
“Baka Para Sa Bakuna” raffle.