P1 milyon pamasko sa inaanak

SABAY-SABAY na napasanaol ang mga netizens sa ulat na isang negosyante ang pinamaskuhan ng tumataginting na P1 milyon ang kanyang inaanak.

Ayon kay Francis Bautista, hindi siya makapaniwala sa aguinaldo ng kumpareng si Kevin Agravante sa kanyang anak.

“Nangamusta lang po ‘yung kaibigan ko na ninong ng anak ko, tapos nagtatanong kung ano daw ang pwedeng iregalo. Tapos ‘yun na, nagulat ako noong biglang nagsend,” ani Francis.

Ganito tumakbo ang palitan nila ng mensahe na isinalin sa Tagalog:

Kevin: Bark, Merry Christmas, kamusta kayo diyan?

Francis: Uy pre, Merry Christmas din sayo.

Kevin: Medyo hindi maingay ngayon ang pasko noh? Hahaha, kamusta kayo?

Francis: Okay lang kami pre, sobrang makulit ‘tong inaanak mo,

Kevin: Manang-mana sa’yo pre. Magbigay ako ng kaunting gift pre, pwede ko ask BPI account number mo?

Francis: Sige pre.

Kevin: Check mo bank mo pre.

Francis: Seryoso pre?

Noong una, ani Francis, ay inakalang nagbibiro lang ang kanyang kumpare dahil sa laki ng pamasko nito.

Sa Facebook post ay sinabi niya na pinag-iisipan na niya kung bahay o sasakyan ang bibilhin sa bigay ng kumpare.

Na-comment naman si Kevin sa nasabing post. “Pre, pakibalik na lang na wrong sent ako,” biro niya.