Vico Sotto mayor na uli ng Pasig City

NAIPROKLAMA na si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos manalo ng landslide sa eleksyon sa lungsod.

Milya-milya ang layo ni Sotto sa pumapangalawa sa kanya na si Vice Mayor Caruncho Bernardo. Nakakuha si Sotto ng 335,851 habang 45,604 boto lang ang nakuha ni Bernardo.

Nanalo rin ang running mate ni Sotto na si Dodot Jaworski, na may 205,250 boto.

Nanalo rin si reelectionist Representative Roman Romulo laban kay dating congressman Ricky Eusebio, with 304,157 votes.