Senatorial race: Tulfo, Loren sa top 2 spots

NASA top spot ng senatorial voter preference ang broadcaster na si Raffy Tulfor at Antique Rep. Loren Legarda.

Sa huling survey ng Pulse Asia, nakakuha si Tulfo ng 50.4 percent habang si Legarda naman ay merong 49.4 percent.

Ginawa ang survey nitong Abril 16 hanggang 21.

Nasa third-fourth place naman ang aktor na si Robin Padilla Actor Robin Padilla habang nasa ikatlo hanggang ika-limang pwesto naman si Taguig City-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Naglalaro naman sa ika-apat hanggang ika-walong pwesto si Sorsogon Governor Francis Escudero habang sina Senador Sherwin Gatchalian at Juan Miguel Zubiri ay nasa ika-lima hanggang ika-siyam na pwesto na parehong nakakuha ng 37 percent.

Naglalaro naman sa ika-lima hanggang ika-12 na pwesto si dating Public Works and Highways Secretary Mark Villar na nakapagtala ng 35.9 percent habang 34.3 percent naman ang nakuha ni dating Senador JV Ejercito na nasa ranked 6th hanggang 12th.

Pasok din sa magic 12 sina dating Vice President Jejomar Binay, reelectionist Risa Hontiveros, at dating Senador Jinggoy Estrada, na naglalaro naman sa pwestong ika-8 hanggang ika-12.