Jennylyn nagpa-check up lang, napaanak

ISINILANG ni actress Jennylyn Mercado noong isang linggo ang kanilang anak ni Dennis Trillo.

Sa YouTube video, kinumpirma ng mag-asawa na isinilang na ng Kapuso actress ang kanilang panganay.

Bago ang delivery ng baby, sinabi ni Mercado na nagtungo sila sa ospital para magpa-check up.

Hindi naman nila inasahan na hindi na sila pauuwiin ng doktor ng aktres.

“Check-up lang dapat kami ngayon e, bigla nalang eto na. Hindi kami ready,” ani Mercado.
Sinamahan ni Trillo ang asawa sa panganganak nito.