Pag-endorso ng PDP-Laban kay BBM, ‘di posisyon ni Duterte–Malacanang

NILIWANAG ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na hindi posisyon ni Pangulong Duterte ang ginawang pag-eendorso ng PDP-Laban sa kandidatura ni dating Sen. Bongbong Marcos.


“The PDP Laban just like any political party is composed of members and officials – that is a collegial decision as a political party. But the President himself has not given any statement on the issue or if he is not supporting this or that president,” giit ni Andanar.


Idinagdag ng opisyal na dapat ay hintayin na lamang ang magiging pahayag ni Duterte hinggil sa isyu.


“So, hintayin na lang po natin si Pangulong Duterte kung ano ang kanyang personal na desisyon. At again, ang desisyon na iyon ang PDP-Laban ay base sa kanilang napag-usapan sa partido,” aniya. –WC