Oplan Baklas ng Comelec suportado ni Isko

SINUPORTAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang Oplan Baklas ng Commission on Elections (Comelec) sa harap ng pagbatikos ng ilang kandidato sa kampanya ng poll body.

“It’s their job, keep it up, ingat sila. Mahirap din ang trabaho nila ngayon kasi… I wish them good health everyday. Kahit sa Maynila wala kaming tarpaulin. Kung mapapansin mo kahit sa Maynila, mas marami poster nila, kanila na ang poster, sa amin na ang boto,” sabi ni Moreno.

Nauna nang kinuwestiyon ni Senator Francis Pangilinan ang ginagawang pagbabaklas ng Comelec ng mga campaign materials maging sa mga pribadong pag-aari.

“Kahit sa Maynila wala kaming tarpaulin. Kung mapapansin mo kahit sa Maynila. Mas marami poster nila. Kanila na ang poster, sa amin na ang boto,” dagdag ni Moreno.