Pacquiao itinangging aatras

ITINANGGI ni .presidential candidate at Senador Manny Pacquiao na iniuurong na niya ang kanyang kandidatura matapos kumalat sa social media.

Ayon kay Pacquiao, baka ang mga kalaban niya ang gustong umatras at samahan na lang siya sa kanyang laban.

“Baka naman gusto nilang umatras at samahan ako sa magandang adbokasiya. Kung gusto nila ng kaunlaran sa bansa, samahan nila ako,” sabi ni Pacquiao.

Idinagdag ni Pacquiao na fake news ang ipinakakalat laban sa kanya.

“Hindi ako umuurong sa lahat ng laban, sa loob o labas man ng ring,” ayon pa kay Pacquiao.

Nauna nang sinabi ni Pacquiao na ang makapagpaatras lamang sa kanya ay kung merong senyales ang Diyos sa kanya para iiwan ang presidential race.