Marcos camp umaasa pa rin sa endorso ni Digong

HINDI nawawalan ng pag-asa ang kampo ni presidential candidate at dating Senador Bongbong Marcos Jr., na siya ang babasbasan ni Pangulong Duterte.

Ito ang kinumpirma ngayon ng abogadong si Vic Rodriguez, spokesperson ni Marcos Jr.

“None. We’re still hopeful and waiting for the very valuable endorsement from the President. Sana ay i-endorso nya si presidential candidate Bongbong Marcos and of course our vice presidential candidate Mayor Inday Sara Duterte,” sabi ni Rodriguez sa isang panayam sa Bulacan kung saan nagsasagawa ng rally ang UniTeam.

Naging palaisipan sa publiko ang nakaraang pahayag ni Duterte sa Ilocos Sur na tila nag-eendorso kay Marcos Jr.