Laguna governor: Landslide win ni Bongbong-Sara sigurado na

TINIYAK ni Laguna Goverrnor Ramil Hernandez ang landslide win the tambalang dating Senador Bongbong Marcos Jr at Davao City Mayor Sara Duterte sa lalawigan sa darating na May 9 elections.

Ito ay matapos daluhan ng libo-libong taga Laguna ang rally ng UniTeam nitong Huwebes sa Binan Football Field, Binan City, kung saan pormal ding inendorso ni Hernandez sina Marcos at Duterte.

Ang Laguna ang pang-apat na vote-rich province sa bansa na may kabuuang 2,045,687 rehistradong botante.

“Buong pamunuan ng PDP-Laban kasama po ng iba pang mga partido na nandito ay nagkakaisa para po sa iisang layunin, si Governor Hernandez po bilang pangulo ng PDP-Laban Laguna, ang akin pong presidente at vice president ay BBM-Sara. Akin po ang karangalan na ipakilala sa inyo ang presidente nating lahat, President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,” ayon kay Hernandez.