Maja: My baby girl hasn’t arrived yet

KLINARO ng aktres na si Maja Salvador na hindi pa siya nanganganak makaraang maiulat sa social media na nailuwal na niya ang panganay nila ng mister na si Rambo Nuñez.


Sa Instagram, shinare ni Maja ang pinakabagong ultrasound photo ng kanyang ipinagbubuntis.


“Hi Guys! Hello Hello from Canada! Some of my friends and family are getting confused because someone shared fake news saying I already gave birth,” ani Maja sa caption.


“Just to clarify, this is my latest ultrasound showing that My baby girl hasn’t arrived yet!” dagdag niya.


Ilang Facebook pages ang nag-anunsyo nitong Martes na nanganak na si Maja at nilakipan pa ng mga larawan na karga ng aktres at asawa ang isang sanggol.